Paglago ng ekonomiya, madidiskaril kapag itinaas sa Alert Level 2 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa

Ibinabala ni Senator Joel villanueva na posibleng madiskaril ang pagtaya ng World Bank na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ng 5.7 percent ngayong taon at 5.6 percent sa taong 2023 hanggang 2024.

Ayon kay Villanueva, posibleng ito ang maging resulta sa oras na muling ipatupad ang COVID-19 Alert Level 2 sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.

Kaya naman giit ni Villanueva sa Inter-Agency Task Force at mga health experts, ibase ang kanilang rekomendasyon sa latest data at karanasan ng ibang mga bansa kaugnay sa COVID-19.


Diin ni Villanueva, anumang antas ng alert level na ipapatupad sa ating bansa ay tiyak na makakaapekto sa ating ekonomiya na unti-unti na nating binubuksan lalo na sa sektor ng turismo.

Facebook Comments