Paglago ng ekonomiya ng bansa, naitala sa 7.1 percent ngayong ikatlong quarter ng 2021

Bumagal ang naging paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong ikatlong quarter ng 2021.

Batay ito sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nasa 7.1 porsyento ang paglago ng Gross Domestic Product ng bansa.

Mas mabagal ito kumpara sa 12 percent na naitala noong ikalawang quarter ngayong taon.


Sa kasalukuyan, nasa 4.9 percent ang GDP ng bansa na pasok pa rin sa target ng gobyerno na 4 hanggang 5 porsyento para sa buong taon.

Facebook Comments