Paglago ng ekonomiya sa Pilipinas ngayong taon at 2023, nakikita pa rin ng Asian Development Bank

Nakikita pa rin ng Asian Development Bank (ADB) ang paglago ng ekonomiya sa Pilipinas sa kabila ng mga nararanasang economic drawbacks tulad ng inflation at paghina ng piso kontra dolyar.

Ito ay matapos lumabas pa rin sa pinakahuling Asian Development Outlook 2022 Update na lalago pa rin sa 6.5% ang gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong taon.

Ayon sa ADB, magkakaroon ng malaking pagbawi ang bansa kasunod ng pagluluwag sa COVID-19 restrictions sa bansa na siyang makakatulong sa paglago ng eknomomiya sa bansa sa kabila ng mataas na inflation rate bunsod ng pagtaas ng presyo ng ilang bilihin.


Lumabas naman na lumago ng 7.4% ang GDP na bansa sa 2nd quarter ng taon, mas mabagal sa naitalang 8.2% GDP growth noong first quarter ng 2022.

Samantala, napanatili ng ADB ang projection na 6.3% GDP growth sa bansa sa taong 2023 basta mapagtibay ng domestic demand ang paghihigpit sa monetary policy at ang mas mabilis na inflation rate sa susunod na taon.

Facebook Comments