Ikinalugod ng Malakanyang ang 8.3% na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang quarter ng 2022, base sa pagaaral na inilabas ng Philippine Statistics Authority.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, patunay lamang ito na epektibo ang tugon na pamahalaan sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga Pilipino laban sa COVID-19, habang binibigyan ng oportunidad ang publiko upang mapagaan ang epekto ng kagutuman at kawalan ng trabaho sa bansa.
Samantala, ikinalugod din ng Palasyo ang naitalang 46.3% na pagtaas ng Foreign Direct Investment (FDI) net inflow ngayong Pebrero.
Base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula sa 611 US dollars na naitala noong February, 2021, umakyat ito sa 893 million US dollars ngayong February, 2022.