Paglahok ng Pilipinas sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Jeanelyn Villavende, pinayagan na ng Kuwait

Pinayagan na ng Kuwait Government ang Pilipinas na makilahok sa isasagawang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa Pinay domestic helper na si Jeanelyn Villavende.

 

Ang kasunduan ay naganap sa isang pulong nina Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (ofw) Concerns Secretary Ab-du-llah Mama-o at Philippine Embassy in Kuwait Consul General No-or-din Pen-do-si-na Lo-mon-dot.

 

Ayon kay Kuwait Deputy Foreign Minister Al Ja-ra-llah, ang pagpayag nilang makilahok ang Pilipinas sa imbestigasyon ay bilang pagpapakita ng kanilang katapatan sa usapin.


 

Nagpasalamat naman si Mama-o sa gobyerno ng Kuwait, dahil sa mabilis na pagsasagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments