Paglalabas ng ICAD report, nakabatay pa sa panunumbalik ng sitwasyon sa Davao del Sur

Nakadepende pa sa panunumbalik sa normal ng sitwasyon sa Davao del Sur kung mailalabas ni Vice President Leni Robredo ang umano’y mga natuklasan niya sa maikling panahon niya Inter Agency Committee against Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Vice President Leni Robredo, baka hindi na kayanin na mailabas ang ICAD report sa buong panahon ng Disyembre dahil sa matinding pinsala na dapat asikasuhin sa Matanao at Padada.

Isang team ang binuo ng Bise Presidente para maghatid ng tulong sa Davao del Sur ngayong araw.


Nanawagan si Robredo sa publiko na sa halip na maging magarbo ang mga Christmas party ay gawing simple na lamang at sa halip ay magbigay na lang ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Facebook Comments