Paglalabas ng mga edited na larawan ng mga sumukong rebelde, ‘di mauulit ayon sa Philippine Army

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Army na hindi na mauulit pa ang pagkakamali nila sa paglalabas ng edited na larawan ng mga sumukong rebelde.

Matapos na mag-viral kahapon sa social media ang larawan ng 9th Infantry Division kasama ang kanilang press release sa pagsuko ng 306 na rebelde sa Masbate noong December 26, anibersaryo ng Communist Party of the Philippines o CPP.

Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, Spokesperson ng Philippine Army, aminado sila sa pagkakamali at inaako nila ang responsibilidad dito.


Honest mistake umano ang nangyari at wala silang intensyon na linlangin ang publiko.

Samantala, umapela naman ni Zagala sa mga netizen na huwag maging mapanghugsa.

Marami kasi ang napapatanong na posibleng peke rin ang mga press release ng Philppine Army sa mga sumusukong rebelde.

Paliwanag ni Zagala, totoo ang lahat ng kanilang accomplishment at sa katunayan ay marami na talaga ang sumusuko sa mga myembro ng komunistang grupo.

Facebook Comments