Paglalabas ng pirmadong resolusyon sa pag-exempt ng fuel subsidy program sa spending ban, minamadali na ng COMELEC

Minamadali na ng Commission on Elections ang paglalabas ng resolusyon na nag-eexempt sa pamamahagi ng fuel subsidy sa umiiral na spending ban.

Sabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, bagama’t exempted na ang programa ay naghihintay pa ang mga bangko ng pirmadong resolusyon mula sa lahat ng commissioners bago ito tuluyang maimplementa.

Ngayong araw aniya ay pinapa-follow up na niya sa COMELEC secretary kung sino pa ang mga hindi nakakapirma sa resolusyon.


Matatandaang una nang inaprubahan ng comelec ang exemption ng programa sa spending ban matapos ang petisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa sunod-sunod na ipinatupad na oil price hike.

Nasa P2.5 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa 377,000 na kwalipikadong public utility drivers pero sa ngayon ay hindi pa lahat nakakatanggap ng subsidiya

Facebook Comments