Pinakamalaking campaign rally para kay VP Leni, naganap sa kanyang kaarawan; higit sa 412,000 ang pumuno sa Macapagal Boulevard sa Pasay City

200

Higit sa 412,000 na tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo ang dumalo at nakisaya sa “araw na10 ‘to!” Rally sa Pasay nitong Sabado, Abril abente-tres.

Ito rin kasi ang kaarawan ni VP Leni kaya pasiklaban ang iba’t ibang personalidad, mga grupo, at maging sa iba’t ibang probinsya sa pagdiriwang ng kaarawan ng napupusuan nila bilang susunod na pinuno ng bansa.

Marami sa mga dumalo ay mga supporters, kanilang mga pamilya at kaibigan, at maging ang mga dating sumusuporta sa ibang kandidato na ngayo’y kay VP Leni na sumusuporta.


Nakita kasi nila ang radikal na pagmamahal na ibinigay at kaya pang higitan ni vp leni sa pamamagitan ng kanyang mga programa, kaya nagdesisyon silang suportahan si VP Leni.

Pinakatumatak sa kanila ang pandemic response ni VP Leni, kung saan madami ang natulungan ng kanyang e-konsulta, libreng mga PPE at test kits, libreng board at lodging at sasakyan para sa mga frontliners.

Madaming bigating singers, celebrities at influencers din ang mas nagpaningning ng gabi ng selebrasyon ng kaarawan ni VP Leni.



Sorpresang nagtalumpati si John Arcilla at pinaka inabangan din ang pagkanta ng mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid at Vice Ganda.

Muli namang hinikayat ni VP Leni ang kanyang mga taga-suporta na maging puno ng pagmamahal ang paghikayat sa iba pang hindi pa nakakapag desisyon o mga iba ang sinusuportahan, para lumipat ng suporta para sa kanya at sa kanyang buong team.


Nanawagan din si Robredo sa kanila na labanan ang mga fake news at palitan ng katotohanan dahil aniya, inaasahang mas titindi at dadami pa ang mga maling impormasyon habang papalapit ang eleksyon at habang tumataas ang kanyang numero sa mga survey.

Facebook Comments