Paglalagay ng aspalto sa mga kalsada gamit ang recycled plastics, sinimulan na kahapon

Sinimulan na kahapon ang paglalagay ng mga aspalto sa mga kalsada na gawa sa mga recycled plastics materials.

Pinangunahan ng diversified conglomerate San Miguel Corp. (SMC) kahapon ang unang recycled plastics road sa bansa.

Inilatag ang mga aspalto sa 1,500- square meter pilot test site sa bagong logistics center sa bahagi ng General Trias, Cavite.


Napili ang naturang lugar dahil ito ang pangunahing gagamitin para sa marshalling area ng mga trak na may mabigat na karga kabilang na ang 18-wheelers at heavy equipment.

Umabot sa mahigit 900 kilo ng plastics waste o katumbas ng 180, 000 sachet ng mga plastic bags ang ginamit para sa nasabing test site.

Facebook Comments