PAGLALAGAY NG CCTV SA MGA KABAHAYAN AT ESTABLISYIMENTO, IPINAYO NG PULISYA DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA NAKAWAN SA PANGASINAN

Dahil sa sunod-sunod na nakawan sa lalawigan ng Pangasinan, hinihikayat ng Police Regional Office 1 ang mga residente na maglagay ng CCTV sa kanilang kabahayan o sa kanilang establisyimento.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PLTCOL. George Depalog Jr., tagapagsalita ng PRO1, mainam na mamonitor ang kanilang sariling bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng CCTVs.
Nagiging malaking tulong din umano ito upang agad na maresolba at mahuli ang mga kawatan.

Sa Region 1, nangunguna ang Pangasinan sa may pinakamataas na bilang nang nakawan ngayong taon na nasa 69, La Union na 12 kaso, Ilocos Sur na nakapagtala ng 20 kaso at dalawa sa Ilocos Norte.
Mas mababa ito ng 14% kumpara noong nakaraang taon na nasa 122 kaso ng nakawan.
Nagbabala din ito sa mga gumagawa ng pagnanakaw na patuloy silang binabantayan at hindi titigil ang pulisya hanggat hindi sila nahuhuli. | ifmnews
Facebook Comments