2, 507 LUMAHOK SA ISINAGAWANG INDEPENDENCE DAY JOB FAIR SA ILOCOS REGION; 181 NATANGGAP ON THE SPOT

20
Pumalo sa 2, 507 na residente ng Ilocos Region na naghahanap ng trabaho ang lumahok sa isinagawang Independence Day job Fair ng Department of Labor and Employment Region 1.
Sa nasabing bilang 181 katao ang natanggap on the spot at 576 ang malapit nang matanggap sa trabaho.
Isinagawa ang simultaneous job fair sa apat na lugar sa rehiyon ito ay sa Candon Civic Center sa Candon City, Ilocos Sur; CSI Mall sa City of San Fernando, La Union; Nepo Mall sa Dagupan City, Pangasinan; and Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Pangasinan.

Nagbigay ng one stop assistance ang ibang ahensya ng gobyerno sa mga job seekers gaya ng DTI, OWWA, TESda, NBI, PAGIBIG, PHILHEALTH, PRC, PSA AT RTWPB. | ifmnews
Facebook Comments