Paglalagay ng checkpoint ng mga barangay sa mga pangunahing kalsada, ipagbabawal muna

Ipinagbabawal muna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglalagay ng checkpoint ng mga barangay sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, isa kasi ito sa nagiging dahilan kaya naaantala ang pagpasok ng deliver ng mga produkto.

Aniya, tanging ang Philippine National Police (PNP) lang ang dapat namamahala sa bawat checkpoint at ang mga pulis rin ang dapat nag-iinspect ng mga dumadaang cargo.


Ang sinuman, aniyang, sasaway dito ay mahaharap sa kaparusahan bilang mandato na rin sa utos sa kaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi naman ni Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, nakikipag-ugnayan na sila sa mga LGUs para mas maging madali ang pagdaan ng mga motorista sa mga checkpoint kasabay ng luzon-wide lockdown.

Aniya, bukod kasi sa PNP ay mayroon ring ipinatutupad na checkpoint ang mga LGU na nagiging dahilan ng pagkaantala ng mga biyahero.

Dapat din, aniyang, matiyak na hindi maantala ang mga delivery ng mga produkto.

Facebook Comments