Paglalagay ng dilaw na ribbon sa mga kabahayang isinailalim sa granular lockdown, dinipensahan ni Pateros Mayor Miguel Ponce

Dumipensa si Municipality of Pateros Mayor Miguel Ponce III sa ipinatupad na kautusan kaugnay sa paglalagay ng dilaw na ribbon sa mga kabahayang isinailalim sa granular lockdown.

Kasunod ito ng pagbatikos ng mga netizens dahil isa umano itong uri ng diskriminasyon.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Mayor Ponce na hindi sapilitan ang paglalagay ng dilaw na laso sa bahay ng mga COVID-19 positive.


Nakadepende kasi aniya sa mga residente kung gusto nilang magpalagay ng yellow ribbon.

Matatandaang nitong September 15 nang i-anunsyo ni Mayor Ponce ang paglalagay ng dilaw na laso upang mas madaling malaman ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments