Paglalagay ng gang tattoo ng PDLs, ipinagbawal na ng BuCor

inilunsad na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang “oplan bura tatak” na layong paigtingin ang kampanya ng peace and order para sa inmates.

sa ilalim ng programa, tatanggalin ang mga tattoo ng mga gang sa katawan ng inmates.

paliwanag ni BuCor Chief Director General Gerald Bantag, ito ay para maiwasan na ang pagkakaroon ng away sa pagitan ng mga miyembro ng iba’t ibang grupo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).


Ito aniya ang nagiging mitsa ng gantihan ng magkakalaban na pangkat kung saan ginagamit ang mga tattoo para malaman kung saang grupo kabilang ang isang inmate.

Ayon kay bantag, nasa 12 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na ang lumahok sa oplan bura tatak kabilang ang mga presidente, lider o ang tinatawag na commanders ng iba’t ibang grupo.

sa pamamagitan aniya nito ay mapipilitan din ang mga miyembro na sumunod at ipatanggal ang kanilang tattoo.

dagdag pa ni bantag, maaapektuhan ang good conduct time allowance (gcta) ng mga pdl dahil sa kanilang polisiya para masigurong hindi na magpapalagay pa ang mga ito ng mga bagong tattoo.

Facebook Comments