Paglalagay ng ilaw sa mga kalsada, tinatrabaho ng Malabon City Government

38
COURTESY: LENLEN ORETA FB

Pagkakabit ng libo-libong mga LED streetlights ang tinutukan ngayon ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Malabon.

Ang kahabaan ng Sisa Ext., Sociego St., at Doña Victoria St. sa Brgy. Tinajeros ang mga pinakahuling napailawan at may mga kasunod pa.


Ayon kay Malabon Mayor Lenlen Oreta, ang pagpapaliwanag sa bawat kalsada ay napakalaking bagay para sa patuloy na pagbabantay at pagpapanatili sa kaayusan ng lungsod lalo na ngayong may pandemya.

Dahil dito, nanawagan si Oreta sa mga taga-Malabon na agad ireport ang mga sira, busted o pundidong streetlights at ipaalam ang eksaktong lokasyon para agad ma-check at maayos ng City Engineering Office.

Muling pinaalalahanan ni Mayor Oreta ang mga nasasakupan na mag-ingat palagi at tumulong sa paglaban sa COVID-19.

Facebook Comments