Lineman sa Daraga Albay, sugatan matapos na mahulog sa poste ng kuryente

69

Patuloy na ginagamot ngayon ang isang 53-anyos na lineman matapos na aksidenteng mahulog sa poste ng kuryente sa loob ng isang subdivision sa Barangay Tagas, Daraga, Albay.

Kinilala itong si Hermes Nuyles Mayor, residente ng Purok 2, Brgy. Tagas, Daraga, Albay.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Albay, nag-aayos ng linya ng kuryente ang isang grupo mula sa Albay Power Electric Corporation nang aksidenteng mahulog ang biktimang lineman mula sa pinakataas ng isang poste ng kuryente na naging dahilan na kaniyang pagkasugat sa ulo.

Agad naman itong naisugod sa UST Hospital sa Legaspi City at ngayon ay patuloy na ginagamot.

Matatandaang ang Albay ang isa sa mga lugar na matinding sinalanta ng Super Typhoon Rolly kaya nawalan ng supply ng kuryente sa lalawigan.

Facebook Comments