Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na posibleng maipakahulugang paglabag sa Article 11 ng in relation to Article 2 ng House Resolution number 2476 kung saan ay mas hinigpitan ang publiko para magkaruon ng access sa Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ng mga mambabatas.
Batay kasi sa resolusyon, kailangan muna ng plenary approval bago ilabas ng mga mambabatas sa publiko ang SALN ng sinomang miyembro ng Kongreso.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, lumalabas ito sa isinusulong ng Administrasyon na transparency at accountability sa mga opisyal at mga empleyado ng Pamahalaan.
Ito aniya ang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit inilabas nito ang Freedom of Information sa Executive Department o ang Executive Order number 2 at mapalakas ang karapatan ng publiko na makuha ang anomang impormasyon sa Executive Branch.
Kaya naman anomang hakbang na magpapahirap sa publiko para makuha ang anomang public document kabilang na ang mga SALN ay walang duda na taliwas sa isinusulong na transparency ng pamahalaan.
Pero binigyang diin din naman ni Panelo na hindi panghihimasukan ng Executive Department ang anomang internal rules ng mga nasa Legislative Department.