Hinding hindi magpapa hostage si pangulong rodrigo duterte sa mga banta ng New People’s Army (NPA).
Sa pinakahuling impormasyon kasing isiniwalat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sinabi nito na nakatanggap sila ng report na diumano silang dalawa ni Pangulong Duterte ay nasa hitlist ng NPA.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na ang ganitong mga pagbabanta ay hindi makaaapekto sa schedule ng Pangulo o sa anupaman nitong mga aktibidad.
Batid aniya ng lahat na workaholic ang Pangulo at mahilig talaga itong maglibot sa ibat ibang kampo, o bumisita sa ibat ibang panig ng bansa, bilang bahagi ng kaniyang pagbibigay pansin sa mga problema o concerns ng ating mga kababayan.
Pero hindi aniya mapipigil ng pagiging umanoy hitlister ng Pangulo ng NPA ang kaniyang mga aktibidad at gustong gawin.
Kaugnay nito, kinwestyon ni Nograles ang sinseridad ng NPA sa isinusulong na peacetalks, dahil habang may tinatrabahong negosasyong pangkapayapan ang magkabilang panig.
Nakalilito aniya ang ganitong mga pahayag mula sa komunistang grupo dahil mistulang ginagamit itong pressure point para igiit ang kanilang gusto sa tinatrabahong negosasyong pangkapayapaan.