Manila, Philippines – Nauunawaan ni Senator Win Gatchalian ang sentimyento ng motorcycle riders laban sa paglalagay ng plaka sa harapan ng motorsiklo.
Kaugnay nito ay umaasa si Gatchalian na mahahapan ng mainam na solusyon ang reklamo ng motorcycle riders kasabay ng pagtiyak na maitutupad pa rin ang layunin ng motorcycle crime prevention law.
Para kay Gatchalian, pwedeng ikonsidera sa paghahanap ng solusyon ang ipinapatupad sa bansang Colombia na paglalagay ng plate number sa damit o tsaleko ng nagmamaneho ng motorsiklo.
Ayon kay Gatchalian, ang nabanggit na hakbang ay tugon ng gobyerno ng Colombia sa malalang problema nito sa ilegal na droga at mataas na bilang ng mga krimen na kagagawan ng riding in tandem.
Sa tingin ni Gatchalian ay maari itong gawing alternatibo sa paglalagay ng plaka sa harapan ng motorsiklo.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na bagaman at medyo magastos ay makakatulong naman ito sa seguridad sa lansangan at kaligtasan ng buong bansa.