Paglalagay ng PUV stops sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, target ng MMDA

Nais ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng public utility vehicles (PUV) stops sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon kay MMDA acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III, ang paglalagay ng mga bus at jeepney stops ay layong matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero alinsunod sa paglalagay ng mga eksklusibong motorcycle lane sa kahabaan ng nasabing kalsada.

Dagdag ni Dimayuga, humingi na sila ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Quezon at mga transport group upang matukoy ang mga loading at unloading area sa Commonwealth Avenue.


Kasunod nito, suportado naman ni Pasang Masda President Ka Obet Martin sa plano ng MMDA.

Una nang kinumpirma ng MMDA na hindi bababa sa 1,010 motorcycle-related accidents ang naitala sa Commonwealth Avenue mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Target naman aniya ang paglalagay ng mga motorcycle lane sa sa katapusan ng Nobyembre.

Facebook Comments