Nagpalabas ng karagdagang implementing rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DOLE Usec. Ana Dione na nilagyan na ng QR Code ang mga ID ng mga benepisyaryo.
Layon aniya nitong masiguro na ang mga benepisyaryo mismo ng TUPAD program ang nagtatrabaho at kukubra ng kanilang sweldo.
Aniya, maging ang mga regional offices ng DOLE ay ipinatutupad na rin ang strict implementation ng TUPAD program.
Facebook Comments