Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang paglalagay ng mga Resident Ombudsman sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Guevarra, naniniwala siya na malaking tulong ang pagkakaroon ng mga Resident Ombudsman upang matigil na ang mga katiwalian at korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan na kanila ngayon ginagawa.
Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon ay pinag-aaralan na ng Office of the Ombudsman ang nasabing panukala.
Samantala, idinepensa naman ng kalihim ang ginawa nilang paghingi ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa mga opisyal ng gobyerno na kanilang iniimbestigahan dahil sa mga reklamo ng katiwalian at korapsyon.
Paliwanag ni Guevarra, hindi pa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno ay hinihingan nila ng SALN kundi yung lamang na may kinakaharap na reklamo na isinampa laban sa mga ito.
Matatandaan na ang DOJ ang inatasan na pangunahan ang mega task force na siyang mag-iimbestiga sa mga reklamo ng katiwalian at korapsyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.