Paglalagay ng stickers kontra riding-in-tandem criminals, ikinokonsidera ng PNP

Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagdikit ng mga stickers sa mga motorsiklo para malabanan ang problema ng bansa sa riding-in-tandems.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, magiging kakaiba ang disenyo ng stickers sa bawat probinsya at dapat ay ididikit ito ng mga pulis sa pinakalitaw na parte ng mga motorsiklo.

Aniya, malaki ang maitutulong ng stickers para agad nilang matukoy kung saang lugar galing ang motor na ginamit ng riding-in-tandem.


Itinanggi naman ni Albayalde na madaling makokopya at manakaw ang mga stickers dahil gagamit aniya sila ng modernong teknolohiya tulad ng labels na gawa sa hologram at mas matibay na adhesives.

Base sa datos ng PNP, umabot na sa 880 ang bilang ng mga biktima ng motorcycle-riding suspects mula October 2017 hanggang May 2018.

Facebook Comments