BILATERAL MEETING | Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-in, nagsalo sa hapunan

South Korea – Nagsalo sa isang hapunan sa Blue House sina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korea President Moon Jae-in.

Sa inilabas na larawan ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, game na nagpakuha ng picture sina Duterte at Moon sa mga batang Koreanong nag-perform sa dinner.

Tumagal lamang ng lagpas sa isang oras ang hapunan ng dalawa.


Samantala, nakatakdang makipagpulong ngayong araw si Duterte sa mga South Korean Business Leader para hikayatin silang mamuhunan sa Pilipinas.

Facebook Comments