Paglalagay ng Swimming at Basic Life Saving sa K-12 Curriculum, inirekomenda ng WHO

Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ng Swimming at Basic Life Saving sa K-12 Curriculum.

Ito ay upang maiwasang may mamatay na bata dahil sa pagkalunod.

Base sa pag-aaral ng WHO, ang pagkalunod ay isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga batang may edad lima hanggang 14.


Ayon kay Dr. John Juliard Go, National Professional Officer ng WHO Philippines, dapat ituro na sa eskwelahan ang Swimming at Rescue Skills sa mga batang may edad anim hanggang 14.

Mahalagang marunong lumangoy lalo na kapag may pagbaha dulot ng mga bagyo.

Sinabi naman ni DepEd Spokesperson, Usec. Annalyn Sevilla, bagamat mahalagang turuan ng paglangoy ang mga bata, may mga bagay na kailangang ayusin bago isama ang subject sa Curriculum.

May inihaing panukalang mandatory Swimming Subject sa Basic Curriculum ng K-12 program noong 2016 pero bigo itong nakapasa.

Facebook Comments