Paglalagay sa Alert Level 1 ng buong bansa, hindi pa masabi sa ngayon ng IATF

33

Wala pang kongkretong ebidensya ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang masabi na maaari na ngang ilagay sa Alert Level 1 ang buong bansa para sa mga natitirang araw ng Disyembre.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kailangan pa kasing makakuha sila ng conclusive data mula sa World Health Organization (WHO) hinggil sa Omicron variant.

Sa ngayon ani Nograles ay puro preliminary data pa lamang kasi ang inilalabas ng WHO.


Tatlong bagay kasi ang kailangang magkaroon ng conclusive data tulad ng transmissibility ng Omicron variant o gaano ito kabilis makahawa, ano ang severity nito o gaano ba ito kalala at ikatlo ay kung may breakthrough infections ba kahit pa bakunado na ang isang indibidwal.

Maliban dito, sinabi rin ng kalihim na hindi pa handa ang IATF sa binabalangkas na parameters para sa Alert Level 1.

Facebook Comments