Paglalakad at pagbisikleta, pinapahintulutan pa rin sa mga barangay na nasa ilalim ng ECQ

Maaari pa ring makapaglakad at makapagbisikleta sa labas ng bahay ang mga residente sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,limitado lamang ang mga aktibidad na ito sa loob ng kanilang barangay.

Paliwanag ni Roque, kinakailangan pa ring mag-ehersisyo ng mga tao kahit na nasa gitna ng lockdown ang Metro Manila.


Samantala, hindi naman pinapahintulutan ang basketball, swimming at paglalaro ng tennis sa gitna ng ECQ.

Facebook Comments