Pinoy boxer Carlo Paalam, humihingi ng panalangin bago sumabak sa final round sa Tokyo Olympics

100

Humihingi ng panalangin ang pambato ng Pilipinas sa men’s flyweight boxing na si Carlo Paalam bago sumabak sa kaniyang huling kampanya sa Tokyo Olympics bukas, August 7, alas 1:00 ng hapon.

Makakalaban ni Paalam para sa gintong medalya ang pambato ng Great Britain na si Galal Yafai.

Ayon kay Paalam, bagama’t gagawin niya ang lahat ng makakaya sa laban ay malaki pa ring ambag ang panalangin para maiuwi ang inaasam na gintong medalya.


Samantala, sigurado na sa silver medal si Paalam matapos talunin ang kinatawan ng Japan na si Ryomei Tanaka nitong semifinals.

Facebook Comments