Paglalatag ng Globe ng fiber sa mga tahanan at negosyo, pinabilis ng patakaran ng DPWH

MAS maraming tahanan at negosyo ang natayuan at nalatagan ng fiber o high-speed lines tatlong buwan mula nang ibaba ang kautusan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinapayagan ang mga telco na magtayo ng infrastructure projects sa mga pambansang kalsada na naaayon sa right of way.

Ito ay nagpalakas sa pagsisikap ng Globe na makapaglagay ng fiber-to-the-home (FTTH) sa mas maraming tahanan sa mga pangunahing lugar sa bansa. Mula noong ikatlong linggo ng Marso ng taong ito, nakapaglagay na ng FTTH lines ang Globe sa tulong ng 96 permits mula sa DPWH. Pinayagan din ang fiberization para suportahan ang mga Mobile Build mula sa 39 na permit ng DPWH.

“Ang suporta ng DPWH at ng gobyerno ay talagang malaki ang magagawa para matugunan namin ang demand para sa koneksiyon sa internet sa mga highly-urbanized na lugar sa bansa. Ito ay makatutulong sa amin na mabilis na makapaglagay ng mga fiber cables sa maraming mga tahanan na ngayon ay nakadepende sa pagkakaroon ng maaasahan, mabilis, at accessible na internet,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President para sa Program Delivery, Network Technical Group.


Ang Department Order No. 29 o ang “Patakaran ng DPWH sa Telecommunications at Internet Infrastructure alinsunod sa Republic Act (RA) Blg. 11494,” ay nagpaluwag sa mga naunang pagbabawal lalo na sa paglalagay ng mga poste. Pinapayagan na ngayon ang paghuhukay at mga pag-aayos ng mga proyektong pang-imprastraktura ng ICT na nasasakop ng limitasyon sa right of way para sa mga pambansang kalsada at highway.

Sa pag-alis ng naturang pangunahing bottleneck, inaasahan ng Globe na ang inspeksyon at pag-apruba ng mga site ay makukumpleto sa loob lamang ng ilang araw, sa halip na ilang linggo o buwan gaya sa nakaraang proseso.

“Gagawin nitong mas mabilis para sa kompanya na magdala ng mga high-speed broadband services sa mas maraming mga bahay at negosyo sa pamamagitan ng FTTH. Kaya naman tiwala kami na maaabot namin ang aming target na magkaroon ng isang milyong fiber lines na magagamit ngayong taon,” dagdag ni Agustin.

Ang kautusan ng DPWH ay alinsunod sa Bayanihan Acts 1 at 2 na nagpapadali sa pagkuha ng mga pahintulot mula sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno para sa paglalagay ng mga bagong cell tower.

Inilalaan ng Globe ang malaking bahagi ng P70 bilyon pondo nito sa pagpapatayo ng data network para makapaghatid ng world-class internet connection sa mga Pilipino.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng imprastraktura at pagbabago bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 na UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Facebook Comments