Naghahanda na ang Taiwan sa posibleng pag-landfall sa kanilang bansa ng Bagyong Kiko (International name Chanthu) ngayong weekend.
Ayon sa Taiwan’s Central Weather Bureau, inaasahang tatama ang bagyo sa isang isla sa east cost bago umepekto sa capital Taipei, at tutungo sa China’s Zhejiang province.
Agad namang sinuspinde ng Taiwanese transport ministry ang daan-daang domestic flights sa bansa.
Una nang naharap sa malakas ng kalamidad ang Taiwan noong 2009 dulot ng typhoon Morakot kung saan 700 katao ang nasawi.
Facebook Comments