Ilagan, Isabela – Bawal muna sa lalawigan ng Isabela ang paglalayag sa apat na bayan ng lalawigan.
Ito ay sa mga bayan ng Palanan, Maconacon, Divilacan at Dinapigui na pawang nasa baybayin ng Pasipiko.
Ito ang napag alaman ng RMN Cauayan News Team sa paabiso na ipinaabot ni Isabela Provincial Information Officer Jessie James Geronimo.
Bagamat hindi direkta sina Bagyong Lannie at Maring na tatama dito sa Isabela ay naka alerto pa rin ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Council.
Magugunita na nagpaabiso ang PAGASA na magdudulot ng pag ulan sa buong isla ng Luzon ang dalawang weather systems na nasa loob ngayon ng PAR.
Ang no fishing, swimming at sailing ay matatanggal din kung di na iiral ang gale warning na ipinataw ng PAGASA sa mga baybayin ng Isabela.