Ikinatuwa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporations (PAGCOR) sa nakaambang paglayas sa bansa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa tax issues.
Ayon kay Drilon, dapat hayaang umalis ang POGO dahil hindi naman ito kawalan sa ating bansa.
Payo ni Drilon sa PAGCOR, itigil ang pag-asta na parang lover ng POGO at huwag na itong suyuin o habulin pa.
Diin ni Drilon, malinaw ang ating mga batas ukol sa pagbubuwis kung saan dapat magbayad ng franchise at withholding taxes ang POGO.
Kaugnay nito ay iginiit ni Drilon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na agad ipasara ang mga POGO company na hindi makakatugon sa tamang buwis.
Binanggit ni Drilon na dapat bayaran ng POGO ang utang nitong buwis na umaabot sa P50-billion.