*Cauayan City, Isabela*- Naapektuhan na rin ang bentahan ng lechong baboy sa Bayombong Nueva Vizcaya matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever ang ilang lugar sa naturang bayan.
Ayon kay Mayor Ralph Lantion, nagsagawa aniya sila ng pag iikot sa mga tindahan ng paglelechon at nabatid na bahagyang humina ang bentahan ng mga ito gawa ng nasabing isyu ng baboy.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Ginoong Jose Francisco, may ari ng ‘Jhune Lechon’ sa Bayombong, N. Vizcaya na sobra ang kanilang pagkalungkot ng mapabilang ang kanyang anim (6) na baboy sa isinagawang culling o pagbaon at pagpatay.
Paliwanag pa ni Ginoong Francisco na dito lang siya umaasa ng pangkabuhayan para sa kanyang pamilya kaya’t labis nalang ang kanyang pagkadismaya sa nangyari sa mga baboy.
Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan na mabibigyan ng agad na tulong pinansyal ang mga naapektuhan na hograisers sa Brgy. La Torre North kung saan totally lockdown ang nasabing barangay.