PAGLIGO SA TONDALIGAN BEACH SA DAGUPAN CITY, MAHIGPIT PARING IPINAGBABAWAL; HEALTH PROTOCOLS, PATULOY NA IPINATUTUPAD

Patuloy ang ginagawang mahigpit ng pagpapatupad ng mga Health protocols laban sa COVID-19 sa mga dumarayo sa Tondaligan Beach Park sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng banta ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Jun Cadiz, Tondaligan Beach Park Administrator na kabilang sa ipinagbabawal da naturang lugar ay ang pagligo sa dagat upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Inabisuhan rin aniya ang mga shed owners na ipatupad ang pagbabawal ng pag-inom ng alak sa lugar na bahagi rin sa umiiral na health protocols simula nang isailalim sa alert level 3 ang Lungsod ng Dagupan.

Bukod aniya sa pag-iwas sa virus ay makakatulong rin ang mga ipinapatupad na polisiya laban naman sa mga insidente ng pagkalunod sa lugar.

Una naman ng tiniyak ng opisyal na ang sinumang mahuhuling lalabag sa mga panuntunan ay mahaharap sa kaukulang parusa at multa. | ifmnews

Facebook Comments