Kalansay ng 8-taong gulang na Bata, Narekober sa isang Kagubatan

Cauayan City, Isabela- Kalansay na ng matagpuan ang katawan ng isang 8-taong gulang na batang babae nitong miyerkules, Enero 26, 2022 pasado alas-5:00 ng hapon sa isang gubat malapit sa baybayin ng Brgy. Caroan, Gonzaga, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP, kumpirmadong ang bangkay ng batang matagal ng nawawala na si Lady Wayen Ringor ang natagpuang kalansay ng isang netizen.

Matatandaang Oktubre 7, 2021 nang iulat sa pulisya ang pagkawala ng bata hanggang sa natagpuan nga ang katawan nito na wala ng buhay.

Dinala na sa Provincial Crime Laboratory Office ang bangkay ng bata upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

Facebook Comments