Inirerekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa susunod na administrasyon na magpasa ng panukalang batas na lilikha ng Department on Disaster Resilience.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, inaasahan ng konseho ang mga senador na magbigay ng mga bagong ideya upang mapabuti ang batas nito.
Matatandaang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III noong Enero na ang naturang panukalang batas ay malabong maaprubahan ngayong 18th Congress dahil sa matinding interpellation.
Nauna na rin itong tinutulan nina Senador Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson dahil sa “impracticability” at posibleng kakulangan ng pondo.
Facebook Comments