MRT-3, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng pasahero

37

Nakapagtala ng 353,553 na pasahero ang naseserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon ang MRT-3 noong Hunyo 2020.

Malaking tulong dito ang programang libreng sakay at pagpapatakbo ng 14 hanggang 16 na 3-car CKD train set, at apat na 4-car CKD train set sa mainline.


Pinalawig ang libreng sakay program sa MRT-3 hanggang Hunyo 30.

Tiniyak din ng pamunuan ng MRT-3 ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

Facebook Comments