Naniniwala si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado na hindi pa napapanahon na magkaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF) ang Pilipinas na siyang nakapaloob sa House Bill 6608.
Sa debate sa plenaryo ay pangunahing ikinatwrian ni Bordado ang pagkakaroon ng napakalaking utang na ating bansa na umaabot na sa ₱13.64-T at ang ating lumalawak na trade deficit.
Paliwanag ni Bordado, hindi tayo katulad ng ibang mga bansa na may surplus o sobrang budget para ipuhunan sa sovereign wealth funds.
Sa halip na lumikha ng MIF ay iginiit ni Bordado na mas dapat pagtuunan ng gobyerno ang pagpapalakas sa ekonomiya na nilumpo ng COVID-19 pandemic.
Iminungkahi din ni Bordado ang pagprayoridad na matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.