Pag-decriminalize sa libel case, inihain sa Senado

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros sa Senado na i-decriminalize o huwag ituring na krimen ang kasong libelo.

Tinukoy ni Hontiveros na dahil sa laganap na paggamit ng social media, naging daan ito para maarmasan ang mga libel laws at ang pagdami ng cyber libel cases ang siyang nagiging dahilan para mapuno ang mga court dockets.

Sinabi pa ng senadora na nagagamit din ang batas sa libel para mapigil ang pangunahing karapatang pantao.


Naabuso rin aniya ang batas para palaging atakihin ang ilan sa mga karapatan tulad ng kalayaan sa pamamahayag.

Punto ni Hontiveros, panahon na para i-decriminalize ang libelo kung talagang ang tunay na nais ay maprotektahan ang press freedom sa bansa.

Facebook Comments