Manila, Philippines – Dinepensahan ni Public Information Committee Chairman Bernadette Herrera-Dy ang Executive Order 43 o ang Presidential Anti-Corruption Commission ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Herrera-Dy, valid ang EO 43 na nilikha sa ilalim ng presidential plenary power ng Pangulo.
Wala aniya itong pinagkaiba ang PACC sa noo’y nilikhang Presidential Anti-Graft Commission na nilikha at binuwag sa ilalim ng isang presidential executive order.
Naniniwala din si Herrera-dy na lulusot sa anumang kwestyong ligal ang PACC.
Nakasandig din umano ang EO sa mga probisyon ng anti-graft and corrupt practices act, code of conduct and ethical standards for public officials and employees at maging sa administrative code.
Umaasa lamang si Herrera-Dy na makakapili at makakapagtala ang pangulo ng mga tamang opisyal para maisakatuparan nang wasto ang tungkulin ng PACC.