Simula sa Miyerkules, October 30, hindi na papayagan ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang paglilibing at paglilinis ng mga puntod hanggang sa matapos ang Undas.
Ibig sabihin, hanggang sa Martes na lang pwedeng gawin ang mga aktibidad sa sementeryo.
Umaasa naman ang mga vendor sa Manila North Cemetery sa babawiin ng lokal na pamahalaan ang panukalang magpatupad ng “no-vendor” policy sa Undas.
Nauna nang nakiusap ang mga vendor kay Mayor Isko Moreno na huwag ituloy ang panukala dahil maaapektuhan nito ang kanilang kabuhayan.
Pero ayon umano sa staff ni Mayor Isko, desidido ang Alkalde na ipatupad ang polisiya.
Facebook Comments