Paglilimita sa galaw ng mga unvaccinated, hindi discriminatory ayon sa NTF special adviser

Hindi ‘discriminatory’ ang paglilimita sa galaw ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, makakatulong pa nga ang “No Vaccine, No Labas” policy ng Metro Manila Council para maiwasang mahawaan ng virus ang mga hindi pa bakunado.

Bagama’t maaari pa ring mahawa ng COVID-19 partikular ng Omicron variant ang mga bakunado na ay mild lamang naman ang epekto nito sa kanila hindi gaya sa mga unvaccinated na posibleng humantong sa severe at ma-ospital.


Kaugnay nito, nanawagan si Herbosa sa publiko na magpabakuna at magpaturok na ng booster shots.

Aniya, wala nang rason para hindi makapagpabakuna ang iba dahil marami nang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa at libre naman itong ibinibigay.

“Binaba na natin ang interval ng vaccination ng booster ‘no, tatlong buwan na lang so, lahat po ng nabakunahan ng October 4 o earlier pwede na po yan magpa-booster ‘no,” ani Herbosa sa interview ng RMN Manila.

“Tapos yung ibang hindi pa nagpapabakuna, marami naman tayong suplay ng bakuna, pwede po ba magpabakuna na kayo para hindi mapuno ang ating mga ospital kagaya nung nangyari sa ating Delta surge noong September,” dagdag niya.

Facebook Comments