SAN CARLOS, PANGASINAN – Tiniyak ng San Carlos City government na nakahanda ang pamilihang lungsod kasabay ng pagbabago ng quarantine restrictions sa buong Pangasinan sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions.
Isinagawa ng mga kawani ng Market Division ng lungsod ang paglilinis, declogging at preparation.
Samantala, ang mga protocols na dapat sundin dito ay magkakaroon lamang ng 1 ENTRY at 1 EXIT sa pamilihan.
Hindi kinakailangan ng Quarantine ID/Pass. Bukas ang pamilihan araw araw at susunod sa 50% operational capacity upang masiguro ang pag -implementa ng health protocols. Ang pagsusuot ng face mask at face shields ay kinakailangan sa lahat ng oras sa loob naturang lugar.
Nanawagan naman ang alkalde sa publiko ang pakikiisa parin sa paglaban sa pandemya bilang kabahagi ng komunidad at upang maiwasan naman ang paglaganap at pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na tinatamaan ng COVID-19.