Inumpisahan na ng City Environmental Management Office ng Marikina City Government ang paglilinis ng mga sementeryo sa lungsod, tatlong linggo bago ang araw ng Undas.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kahit hindi makadalaw ang pamilya sa puntod ng kanilang mahal sa buhay dahil sa COVID-19 mapapanatili ng LGU ang kalinisan at kaayusan ng himlayan ng mga sumakabilang buhay.
Paliwanag ng alkalde, simula sa October 15 hanggang November 30, ipapatupad ng lokal na pamahalaan ang regulated na pagbisita sa mga sementeryo at lilimitahan lang sa 30% na visitor capacity.
Pero pagsapit ng October 31 hanggang November 2 ay isasara ang mga sementeryo at walang papayagang makapasok.
Para maayos ang sistema at maiwasan ang dagsa ng tao mag-i-isyu ang cemetery administration ng one-time cemetery pass sa mga dadalaw para makapamili ng araw para sa kanilang pagpunta sa sementeryo.
Layon din nito na hindi na sila makaulit na bumalik pa sa ibang araw.