PAGLILINIS NG PAMPUBLIKONG SEMENTERYO SA BASISTA, SINIMULAN NA BILANG PAGHAHANDA SA UNDAS

Sinimulan na sa bayan ng Basista ang paglilinis ng pampublikong sementeryo sa pamamagitan ng pag-spray ng pamatay-damo bilang paghahanda sa darating na Undas.

Layunin ng hakbang na mapadali ang pagtanggal ng mga ligaw na damo at halamang gumagapang sa mga puntod upang maging mas magaan ang paglilinis para sa mga pamilya ng mga yumaong bibisita.

Kasunod nito, magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng mas malawakang paglilinis ng buong sementeryo bilang tulong sa mga mamamayang naghahanda para sa Araw ng mga Patay.

Ayon sa LGU, taon-taon nilang isinasagawa ang ganitong aktibidad bilang pagpapakita ng paggalang at pag-aalaga sa mga pumanaw na kababayan, at nananawagan silang makiisa ang publiko sa pagpapanatiling malinis ng sementeryo.

Facebook Comments