Paglilinis sa dangwa sa Maynila, sinimulan na

Nagsimula na ang Manila City Government sa paglilinis sa dangwa o sentro ng tindahan ng mga bulaklak na dinarayo sa Maynila lalo na kapag may okasyon tulad ng mother’s day, valentines’ day at pati araw ng mga undas.

 

Ang dangwa ay nasa bahagi ng mga kalye ng Maria Clara, Dimasalang at Laong Laan sa Sampaloc, Maynila.

 

Ang paglilinis ay pinangunahan mismo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.


 

Ayon sa alkalde, hindi naman papaalisin ang mga nagtitinda ng bulaklak sa dangwa dahil sila naman ay nasa gilid ng kalsada at ang mga sasakyan ay nakakadaan pa rin.

 

Sabi ni Mayor Isko, target ng paglilinis na alisin ang dumi at mga bara sa mga imburnal sa tabi ng kalye na sanhi ng pagbaha kapag umuulan.

 

Ipinaliwanag ni Mayor Isko sa mga nagtitinda ng bulaklak na ang tanging aalisin lang ay ang mga istratura na tumatakip sa mga imburnal.

 

Ayon kay Mayor Isko, kapag natapos na ang paglilinis ay isasagawa ngayong araw ay isasagawa na bukas ang pag-aaslpato sa mga lansangan upang lalong maging maayos at maganda ang dangwa at lalong pang dumadami ang bibili ditong ng mga naggagandahang mga bulaklak.

Facebook Comments