Paglilinis sa loob ng Manila South Cemetery, bawal na mula ngayong araw

Pinagbabawal na ang paglilinis sa loob ng Manila South Cemetery simula ngayong araw

Base sa abiso ng pamunuan ng sementeryo, October 25 kahapon ang huling araw para asikasuhin ang paglilinis at pagpipintura sa mga puntod.

Bawal naman ang paglilibing simula October 28 at babalik na ang normal na operasyon sa November 3.


Ayon kay Jonathan Garzo, OIC ng Manila South Cemetery, papalabasin ang lahat ng dalaw at dapat wala ng bisita pagsapit ng alas-5 ng hapon.

Ipapatupad ito sa araw ng Undas October 29, 2022 hanggang November 2 ,2022.

Nagpaalala rin ang pamunuan ng Manila South Cemetery na dapat dalhin ang vaccination card kapag papasok ng sementeryo.

Bawal din ang pagdadala sa loob ng ano mang uri ng armas tulad ng baril, matutulis na bagay, nakakalasing na inumin, iligal na droga, flammable materials, sound system, videoke, baraha at ano mang uri ng sugal.

Facebook Comments