Gunman sa Percy Lapid murder case, may bagong extrajudicial confession ayon sa SPD

Kinumpirma ni Southern Police District (SPD) Director BGen. Kirby John Brion Kraft na may bagong rebelasyon ang sumukong gunman sa Percy Lapid murder case

Sinabi ni Kraft na may iba pang mga pangalan na binanggit si Joel Escorial na may kaugnayan sa pagpatay kay Lapid.

Masusi namang ini-imbestigahan ng SPD ang mga bagong impormasyon mula sa gunman.


Sinabi ni Kraft na sakaling totoo ang bagong pasabog ni Escorial, malaki aniya ang maitutulong nito sa pagtukoy sa mastermind sa krimen.

Kabilang sa hawak ng mga awtoridad ang bank account ng sumukong gunman na si Escorial kung saan nakita sa record kung sino ang nagbayad sa kanya para patayin si Lapid.

Facebook Comments