Cauayan City – Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang paglilinis sa mga kalsada sa East Tabacal Region na binalot ng putik matapos ang naranasang pagbaha.
Unti-unti ng nalilinis ang ilang bahagi ng daan sa East Tabacal Region partikular na simula sa Brgy. Carabatan Chica hanggang sa bahagi ng Brgy. Nagcampegan dahil sa tuluy-tuloy na paglilinis ng kinauukulan.
Sa ngayon, isa sa mga daan na mayroon pang natitirang makapal na putik at tubig-baha ay ang kahabaan ng kalsada sa bahagi pa rin ng Brgy. Nagcampegan patungo sa Brgy. Villa Luna, Cauayan City.
Sa ngayon, patuloy na pinag-iingat ang mga residenteng nagmamaneho ng sasakyan dahil bahagya pa ring madulas ang daan dahil sa natitirang makapal na putik.
Facebook Comments